November 05, 2024

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng umaga, Oktubre 5.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:22 ng umaga. 

Namataan ang epicenter nito 431 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 249 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.