November 23, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens
Photo courtesy: Tyra Show (FB) via GMA Integrated News

Usap-usapan sa social media ang video ng isang asong tila nagbabantay sa tabi ng kabaong ng kaniyang namayapang fur dad, sa isang bayan sa Pampanga.

Sa isang ulat mula sa GMA Integrated News, ibinahagi ang video na ini-upload ni Tyra Show, kung saan makikita si Miley na nakaupo malapit sa kabaong ng kaniyang fur dad na si Crizaldy Danan sa Pampanga.

Ayon kay Tyra, noong unang araw ng burol, tahimik at tila walang ganang kumain si Miley. Inilagay nila ang aso sa upuan na tanaw ang larawan ng pumanaw na fur dad na nakapatong sa kabaong.

Nagsimula umanong tumahol si Miley habang nakatingin sa kanila, na animo'y tinatawag ang kaniyang amo. Sa video, maririnig ang mga salitang, "Gisingin mo, sabihin mo tumayo siya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

“Tawagin mo siya, tawagin mo si Daddy Popoy."

Nang buhatin nila si Miley at ilapit sa nakahimlay niyang fur dad, tumahimik ang aso, at makikita sa kaniyang mukha ang lungkot, para bang naiiyak.

"Naniniwala ako na ang aso ay talagang best friend ng tao. Kahit hayop, ramdam nila ang pagkawala ng nag-aalaga sa kanila," sabi ni Tyra. Aniya, "Hindi man sila tao, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal nila."

Matapos ang pagpanaw ni Danan, kinupkop na nina Tyra ang aso at ipinagpatuloy ang pag-aalaga kay Miley.

Umani naman ng mga masimpatyang komento mula sa mga netizen ang nakaaantig na kwentong ito:

“Ayaw ko tong mangyari sa akin. 10 po sila. Mas gugustuhin ko pang sila mauna sa akin. Paano na lang sila kung wala ako. Walang mag aalaga, walang magpapakain. Walang magpapaligo. Walang magpapagamot sa kanila pag silay magkasakit”

“true to, ang sakit sobra kaya ayoko pa mag adopt kasi maisip ko pa lang ito, pano yung aadopt ko na dog kung mawaaala naman ako”

“Hindi ito naiintindihan ng mga kumakain ng karne ng aso..hindi nila ito kailanman mararanasan..hindi man natin sila kauri pero tayo ang kanilang pinipiling samahan at ipagtanggol at damayan,..maiksi pang ang kanilang buhay..maaalagaan lang sila ng tama at mabuti ang kanilang isinusukli.. ganyan sila ka loyal.. kaya sana sa mga nag babalak mag alaga ng mga aso or pusa..alagaan natin silang mabuti at huwag itapon or ipagbili sa mga magkakarne ng aso.”

Sa ngayon ang nasabing FB reels ni Tyra ay mayroon na itong 24.9K views, 444 reactions, 27 comments at 13 shares.

Mariah Ang