January 22, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ilang proseso ng Comelec sa COC ng mga ‘wanna be’ na makapasok sa politika

ALAMIN: Ilang proseso ng Comelec sa COC ng mga ‘wanna be’ na makapasok sa politika
Photo courtesy: Ralph Vincent Mendoza/Balita

Noong Oktubre 1, 2024 ay opisyal nang nagbukas ang Commission on Elections (Comelec) sa pagtanggap ng mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa National and Local Elections (NLE) sa darating na Mayo 2025.

Ilang araw matapos ang pagbubukas nito, umani ng reaksiyon mula sa taumbayan ang ilang aspiring candidates na nagsulputan upang tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Ayon sa Comelec, may mahigit 18,000 posisyon ang nakasalalay sa darating na NLE.

Kaugnay nito, tila may ilang mga pangalan ang nag-aasam na makabalik sa posisyon, may ilan namang nagtatangka pa ring palarin nang makalusot sa balota at may ilan ding ginulat ang taumbayan sa intensyong pumasok sa pulitika.

Kaya naman narito ang ilan sa mga umano’y palatuntunin ng Comelec sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) at kanilang qualification upang payagang mailagay ang pangalan ng isang aspirant sa balota.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Bilang mga botante, marapat na tandaang ang ginagawang proseso sa paghahain ng COC ay hindi umano nangangahulugan na pasok na ang lahat ng aspirant na tumakbo sa eleksyon.

Kung gayon, para saan nga ba ang COC?

Sa panayam ng isang lokal na pahayagan kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, ang paghahain ng COC ay isang pormal na katibayan umano na ang isang kandidato ay nakapagpasa ng lahat ng kinakailangan upang makatakbo sa ninanais niyang posisyon.

“It is the specific document required by law to establish the express intent of a person, or aspirant, to run for a specific elective public office, establishing his or her possession of all qualifications and none of the disqualifications, declaring as well his political party affiliation, if any,” ani Laudiangco.

Ano na naman ang nilalaman ng COC?

Batay sa Section 16 ng Comelec Resolution No. 10420, nilalaman ng COC ang ilang personal na impormasyon ng isang aspirant. Nakasaad din dito ang posisyong nais takbuhan ng isang indibidwal, ang coalition na kaniyang kinabibilangan, deklarasyon ng pagsuko niya ng kaniyang foreign citizenship at iba pa.

Sa Oktubre 8, 2024 sa ganap na 5:00 ng hapon naman ang opisyal na pagtatapos ng COC filing. Paano naman kaya pipiliin ng Comelec ang mga indibidwal na mabibilang sa lehitimong balota na gaganapin sa eleksyon?

Comelec vetting process

Matapos makapagpasa ng kanilang COC, magkakaroon ng proseso ang Comelec. Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Garcia, inihayag niya ang ilang qualification nila sa pagpili ng qualified candidates.

“The COC reveals compliance with the qualification requirements of the Constitution and the law. And false material representation can be grounds for cancellation of candidacy or denial of due course coupled with misrepresentation as an election offense aside from the crime of perjury,” saad ni Garcia.

Kabilang sa prosesong ito ng ahensya ang pagdeklara ng Comelec sa isang aspirant kung ito o sila ng ba “nuisance candidates.”

Sa ilalim ng Section 69 ng Omnibus Election Code ang ilang dahilan kung bakit maaaring maging nuisance ang isang kandidato. Kabilang dito kung may kapangalan ang isang aspirant na maaaring makagulo sa pagboto ng mga botante at mapatunayang walang intensyon sa posisyong tinatakbuhan.

“If it is shown that said certificate has been filed to put the election process in mockery or disrepute or to cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates or by other circumstances or acts which clearly demonstrate that the candidate has no bona fide intention to run for the office.”

Maaari ding kanselahin ng Comelec ang kandidatura ng isang aspirant kung siya ay mapatunayang lumabag sa Article 22 ng Omnibus Election Code na nagtatakda ng ilang ipinagbabawal na aktibidad sa kasagsagan ng campaign at election period.

Sa mainit namang tanong ng taumbayan kung bakit nga ba maaaring makatakbo pa rin ang ilang indibidwal na may nakabimbing kaso, narito ang naging sagot ng Comelec sa isang panayam sa media.

“We do not have the discretion to refuse, to analyze, to look at the person and ask them for some documents. Our role is merely to accept the certificate of candidacy,” saad ni Comelec Chairman.

May ilang araw na lamang bago tuluyang magtapos ang filing ng COC, abangan ang ilang mga indibidwal na nakaamba ring pumasok sa pulitika at kung sino-sino nga ba ang papalaring makalusot sa proseso ng Comelec upang maging karapat-dapat na makuha ang boto ng taumbayan sa 2025.

Kate Garcia