January 11, 2026

Home BALITA Eleksyon

Senatorial aspirant Luke Espiritu, sinabing nagiging soap opera na ang Senado

Senatorial aspirant Luke Espiritu, sinabing nagiging soap opera na ang Senado
photo courtesy: PLM - Partido Lakas ng Masa/FB

Sinabi ni senatorial aspirant at labor leader Atty. Luke Espiritu na nagiging "soap opera" o "entertainment" na ang Senado para sa mga Pilipino.

Sa kaniyang paghahain ng kandidatura sa pagka-senador, kasama ang kapa labor leader na si Ka Leody de Guzman, sinabi ni Espiritu na naging soap opera na umano ang Senado. 

"Ang ating Senado ay tipong nagiging soap opera o entertainment kung saan mayroong isang senador na nagsasabing importante ang kaniyang mga urges, may mga senador na nag-aaway na parang mga highschool, at hindi ito ang Senado na kailangan ng taumbayan," saad ni Espiritu.

Dagdag pa niya, dapat daw ay tuldukan ng mga political dysnasty.

Eleksyon

Comelec: Mahigit 900K botante rehistrado na para sa BSKE 2026

"Kailangan ng isang Senado na dapat alisin ang kontrol ng mga dinastiya at mga corrupt, at isang Senado na magiging maka-manggagawa, maging makamaralita, at maging makakalikasan," saad ng senatorial aspirant.

Matatandaang tumakbo na rin si Espiritu bilang senador noong 2022 elections.