December 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Paglaban sa mga 'pusit,' iiwang legasiya ni Rep. Castro sa kongreso

Paglaban sa mga 'pusit,' iiwang legasiya ni Rep. Castro sa kongreso
Photo Courtesy: France Castro (FB)

‘BAWAL PO ANG PUSIT!’

Tinanong si ACT Teachers party-list Representative France Castro kung ano raw ang maiiwan niyang legasiya sa kongreso nang maghain siya ng kandidatura sa pagkasenador ngayong Biyernes, Oktubre 4, sa The Manila Hotel Tent City.

Sa panayam ng media kay Castro, sinabi ng kongresista na ang pakikipaglaban umano sa mga “pusit” ang legasiyang sa tingin niya ay maiiwan niya sa posisyong lilisanin.

“Nakilala po tayo doon sa paglaban sa mga pusit. Ayaw natin ng pusit. Kaya gusto natin talaga—kung ako ay papalarin—mag-aano tayo ng amyenda kaugnay doon sa pagkakaroon ng accountability, transparency ng opisyal ng gobyerno lalong-lalo na po sa usapin ng budget,” saad ni Castro.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Dagdag pa niya: “Pahihigpitin po natin ‘yong mga batas na patungkol doon sa graft and corruption at accountability ng isang government official. Kaya bawal po ang pusit ‘pag ako ay naging senador.”

Maliban dito ay binanggit din ni Castro na plano niya rin daw na ipagbawal ang confidential funds sa opisina man ng president o bise-presidente.

MAKI-BALITA: France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado

Matatandaang matapos magkainitan nina Castro at Vice President Sara Duterte sa isinagawang pagdinig noong Agosto para sa 2025 budget ng Office of the President ay pinayuhan ng kongresista ang huli na huwag umanong mag-ugaling pusit.

MAKI-BALITA: VP Sara, 'wag daw mag-ugaling pusit sey ni Rep. Castro