November 24, 2024

Home BALITA National

Hontiveros, umaasang wala nang ‘another Alice Guo’ na tatakbo sa 2025

Hontiveros, umaasang wala nang ‘another Alice Guo’ na tatakbo sa 2025
MULA SA KALIWA. Sen. Risa Hontiveros at Mayor Alice Guo (Facebook)

“Hindi na dapat mangyari ito!”

Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros matapos niyang ipahayag na wala na raw sanang katulad ni dismissed Bamban, Tarlac Alice Guo na tumakbo sa 2025 midterm elections.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 3, iginiit ni Hontiveros na “malaking insulto” sa institusyon ng Pilipinas na may naging alkalde ng isang bayan na “foreign national.”

“I certainly hope that there will not be another “Alice Guo” running for public office in 2025. Malaking insulto sa ating mga institusyon na may foreign national na naging Mayor ng isang bayan sa Pilipinas,” ani Hontiveros.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Kaugnay nito, nakiusap ang senadora sa Commission on Elections (Comelec) at sa publiko na maging maagap sa mga maghahain ng kanilang kandidatura para sa susunod na halalan.

“COMELEC and the public must remain vigilant. POGO syndicates are very much able and willing to fund political campaigns of individuals who can protect their interests,” ani Hontiveros.

“We also have to review our existing laws and regulations against candidates who are blatantly lying about their lack of qualifications for public office.

“At isang babala sa mga kandidatong nameke ng mga papeles: you will be found out. Do not aspire to be another Alice Guo. Mananagot kayo sa batas,” saad pa niya.

Samantala, nito lamang Biyernes, Oktbre 4, nang ibahagi ng abogadong si Atty. Stephen David na maghahain si Guo ng kaniyang COC sa susunod na linggo para umano sa kaniyang pagnanais na tumakbong muli bilang alkalde ng Bamban.

MAKI-BALITA: Alice Guo, muling tatakbo para sa susunod na eleksyon – abogado

Sinimulan ng Comelec ang certificate of candidacy (COC) filing sa bansa noong Martes, Oktubre 1 at inaasahan itong matatapos sa darating na Martes, Oktubre 8, 2024.