January 22, 2025

Home BALITA National

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado

France Castro, ipagbabawal confidential funds kapag naupo sa senado
(Photo: Ralph Mendoza/Balita)

Inilatag ni ACT Teachers party-list Representative France Castro ang isa sa mga umano’y plano niya sa oras na maluklok siya sa senado. 

Ngayon Biyernes, Oktubre 4, naghain si Castro ng kaniyang kandidatura sa pagka-senador sa The Manila Hotel Tent City.

Sa isang panayam, binanggit ni Castro na ipagbabawal umano niya ang confidential funds kapag naihalal siyang senador sa darating na 2025 midterm elections.

“Kapag naupo tayo sa senado ipagbabawal po natin ang confidential funds. Any confidential funds. Nakita n’yo naman po ‘yong naging struggle natin sa confidential funds ng Office of the Vice President lalong-lalo na kay Vice President Sara Duterte na napatunayan naman natin na mayro’ng misuse, illegal, at nagkaroon ng notice of dissallowance,” lahad ni Castro.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Kaya naman panawagan ni Castro: “No po tayo sa confidential funds kahit na sa Office of the President. Ngayon nilalabanan nga natin, ano. Kalahati ng budget ng presidente ay confidential funds. Kaya dapat walang confidential funds dahil ito ay secret at confidential ang paggastos.”

Maliban dito, haharapin at pag-aaralin din umano ni Castro ang isinusulong na imbestigasyon ng iba’t ibang sektor laban sa bise-presidente kapag nanalo siya sa kaniyang kandidatura.

Matatandaang minsan nang nagkainitan sina Castro at Duterte sa isinagawang pagdinig ng House of Representatives tungkol sa 2025 budget ng OVP. 

MAKI-BALITA: NAGKAINITAN?! VP Sara, kinuwestiyon kung bakit nakaupo pa rin si Rep. Castro sa Kongreso