January 03, 2025

Home BALITA National

Enrile sa pag-abswelto sa kaniya sa plunder: ‘I knew all along that I will be acquitted’

Enrile sa pag-abswelto sa kaniya sa plunder: ‘I knew all along that I will be acquitted’
(Mark Balmores | MB)

Ikinatuwa ni dating senador at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang naging pag-abswelto sa kaniya, at maging sa kaniyang dating chief of staff na si Gigi Reyes at negosyanteng si Janet Lim-Napoles, sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam.

Nitong Biyernes, Oktubre 4, nang ipawalang-sala ng Sandiganbayan Special Third Division sina Enrile, Reyes at Napoles sa ₱172-million plunder case dahil sa “failure of the prosecution to prove their guilt beyond reasonable doubt.”

Hindi umano napatunayang nakipagsabwatan si Enrile kina Reyes at Napoles upang magkamal ng ₱172.83 milyong kickback mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Kaugnay nito, sa panayam ng mga mamamahayag nito ring Biyernes ay sinabi ni Enrile na alam na raw niyang ipapawalang-sala siya dahil wala naman umano silang ginawang kahit ano hinggil sa naturang kaso.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"I knew all along that I will be acquitted because we have not done anything in this case,” ani Enrile.

“And I hope the people who filed those cases against us will examine their conscience,” saad pa niya.

Matatandaang taong 2014 nang isinampa ang kasong plunder na nag-ugat sa mga alegasyong nagkamal umano ang grupo ni Enrile ng ₱172 milyon mula sa PDAF sa pagitan ng 2004 at 2010.