Hiningan ng reaksiyon si Cong. Camille Villar hinggil sa mga uman’y ibinabatong puna sa nanay niyang si Sen. Cynthia Villar nang maghain siya ng certificate for candidacy (COC) ngayong Biyernes, Oktubre 4, sa The Manila Hotel Tent City.
Sa isang panayam, sinabi ni Camille na kinikilala umano niya ang opinyon ng mga kritiko laban sa nanay niyang senador.
Ayon sa kaniya: “I believe that everyone po is entitled to their own opinion. But I also know that my mother, Senator Cynthia Villar, is very passionate about the agricultural sector.”
“And her real aim and motivation is to truly help our farmers, have their own land, and help them improve their lives, and to the best of her ability, she has done that,” dagdag pa niya.
Sa huli, binigyang-diin ni Camille ang karapatan ng mga kritiko na maghayag ng kanilang mga saloobin at opinyon.
“Siyempre nirerespeto naman po natin ang opinyon ng lahat. May karapatan naman po sila para i-express ‘yon,” aniya.
Bago kasi mag-file ng kandidatura si Camille ay naunang naghain ng COC ang 11 senatorial aspirants ng Makabayan bloc at kabilang sa puna ni PAMALAKAYA Vice Chairperson Ronnel Arambulo ay ang hindi umano epektibong pagtataguyod ni Cynthia sa sektor ng Agrikultura.
MAKI-BALITA: Fisherfolk leader sa panghahamak umano ni Villar sa mga mangingisda: 'Isa 'tong malaking kalokohan'
MAKI-BALITA: 11 senatorial aspirants ng Makabayan, sabay-sabay naghain ng COC