January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Vilma Santos at dalawang anak, naghain na ng kandidatura; raratsada sa liderato sa Batangas

Vilma Santos at dalawang anak, naghain na ng kandidatura; raratsada sa liderato sa Batangas

Pormal nang inanusyo ng star for all seasons na si Vilma Santos-Recto ang pagtatangka niyang muling makabalik bilang gobernador ng Batangas, matapos niyang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, Huwebes, Oktubre 3, 2024.

Tandem si Vilma at ang anak niyang aktor at TV host na si Luis Manzano na kasama niyang nag-file ng COC at tatakbo bilang Vice Governor ng Batangas. Nag-file din ng kandidatura ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto na nag-aasam namang maging Representante ng District 6 ng Batangas.

Kumpletong pamilya ang sumama sa mag-iina matapos silang samahan ng asawa na si dating senador Ralph Recto at misis ni Luis at aktres na si Jessy Mendiola.

Matatandaang nauna nang lumutang ang bali-balita hinggil sa pagtakbo ng mag-iina mula sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Setyembre 30, 2024 kung saan sinabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang umano’y pagbabalik ni Ate V sa Batangas bilang gobernador, kasama ang dalawang anak na sasabak na sa pulitika.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

KAUGNAY NA BALITA: Vilma Santos, 2 pang anak posibleng pamunuan ang buong Batangas?

Kate Garcia