November 23, 2024

Home BALITA

Trillanes, aayusin daw mga problema sa Caloocan City

Trillanes, aayusin daw mga problema sa Caloocan City
Photo courtesy: Sonny Trillanes (FB)

Naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-mayor ng Caloocan City ang dating senador na si Antonio "Sonny" Trillanes IV ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 3, sa SM Grand Central, Caloocan City.

Matatandaang pormal na inanunsyo ni Trillanes ang pagtakbo sa kaniyang X post noong Setyembre 14.

Sa kaniyang Facebook post, pormal nang sinabi ni Trillanes kung ano ang kaniyang mga gagawin kung sakaling iboto siya ng mga taga-Caloocan City.

"Ngayong araw na ito, ako po ay nag-file ng COC sa pagka-Mayor ng Caloocan City. Bilang tubong Brgy 169 ng Caloocan, layun ko na maiahon mula sa kahirapan ang aking mga kababayan at ayusin ang samu't saring problema ng aming lungsod," ani Trillanes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ang pagtakbong ito ay panibagong hamon sa aking buhay bilang isang public servant ngunit ito ay nararapat at napapanahon.

The next several months will be quite intense as we try to dismantle a corrupt political dynasty that's determined to hold on to Caloocan. May God's will be done," dagdag pa.