November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Sen. Padilla, nakikiusap kay ex-Pres. Duterte na tumakbong senador sa 2025 elections

Sen. Padilla, nakikiusap kay ex-Pres. Duterte na tumakbong senador sa 2025 elections

Nakikiusap umano si Senador at PDP-Laban president Robin Padilla kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Sa isang ambush interview nitong Huwebes, Oktubre 3, itinanong kay Padilla kung posible pa bang tumakbo ang dating pangulo.

"Ako hanggang ngayon nakikiusap kay [former] Mayor [Rodrigo Duterte] na tumakbo. Bilang presidente ng PDP-Laban, gusto ko na tumakbo siya. Kung hindi siya, isa sa mga anak niya ang tumakbo," saad ni Padilla.

"Sa amin sa PDP,  napakahalaga na may Duterte kasi ang PDP ay Duterte," dagdag pa niya.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Kahit 79-anyos na si Duterte, hinihikayat pa rin ito ng senador dahil sa "matinding wisdom" nito na dapat umanong tinataglay ng isang leader. 

Kaugnay nito, matatandaang sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Hunyo na tatakbo raw na senador ang kaniyang ama at mga kapatid niyang sina Congressman Paolo "Pulong" Duterte at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

BASAHIN: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Samantala, panawagan ni Padilla na sana raw ay makapag-desisyon ang mag-aamang Duterte kung sino ang tatakbo bilang senador hanggang sa huling araw ng filing sa Oktubre 8.