December 23, 2024

Home BALITA

Sen. Go, naniniwala bang maipapanalo ulit ng 'Duterte magic?'

Sen. Go, naniniwala bang maipapanalo ulit ng 'Duterte magic?'

Natanong si Sen. Bong Go na isang reelectionist para sa 2025 midterm elections kung sa tingin niya ay maipapanalo pa siya ng tinatawag na "Duterte magic" gayundin ang mga kapwa kandidatong inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sina kapwa reelectionist Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa at aktor na si Phillip Salvador, sa kabila raw ng "demolition job" na nangyayari sa pamahalaan ngayon.

Sagot ni Go sa isang reporter na nagtanong sa kaniya matapos ang talumpati kaugnay ng paghahain ng certificate of candidacy ngayong Oktubre 3, sinabi niyang naniniwala sila sa liderato ng dating pangulo.

"Kaya po kami nandito sa PDP Laban dahil naniniwala po kami sa liderato at nagawa ni dating Pangulong Duterte para sa taumbayan. Hayaan na po natin ang taumbayan na humusga, kaya po tayo may eleksyon... mga kababayan ko, kayo na po ang humusga kung sa tingin ninyong nakatulong po sa inyo ang mga programa niya noong 2016 up to 2022..." pahayag ni Go.

Giit pa ng senador, hintayin na lamang daw ang resulta ng halalan at kung ano ang boses ng taumbayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, sa kaniyang talumpati ay sinabi ni Go na mas tututukan pa niya ang healthcare system sa bansa kung sakaling palarin sa darating na 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Sen. Bong Go, patuloy na isusulong maayos na healthcare system 'pag na-reelect