November 22, 2024

Home BALITA

Sen. Bong Go, patuloy na isusulong maayos na healthcare system 'pag na-reelect

Sen. Bong Go, patuloy na isusulong maayos na healthcare system 'pag na-reelect
Photo courtesy: MJ Salcedo/Balita

Naniniwala umano si Sen. Bong Go na kailangang tutukan pa ang mas maayos na healthcare system sa bansa, na isa sa mga adbokasiya niya sa muling pag-asam na makabalik sa puwesto bilang reelectionist sa darating na 2025 midterm elections.

Sinabi ito ni Go nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) sa Manila Hotel Tent City nitong Huwebes, Oktubre 3, sa ikatlong araw ng paghahain nito.

Sa kaniyang talumpati, ibinida ni Go ang mga nagawa niya sa halos limang taong termino niya bilang senador.

"I have authored 15 laws, co-authored and co-sponsored 164 laws, at 69 na principal sponsored laws, karamihan dito ay establishing hospitals dahil isa sa aking adbokasiya noong nanalo po ako ay health," paliwanag ni Go.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Nabigla po tayo noong panahon ng pandemya, kaya hindi po ako nagkakamali na the more we should invest in our healthcare system at hindi ko po lilimitahan ang aking sarili bilang isang senador lamang. Trabaho po namin ay legislation, constituency, at representation kaya kahit saang sulok ng Pilipinas, halos napuntahan ko na po ito..." paliwanag pa ng re-electionist.

Si Go ay nasa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na ineendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.