November 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ginamit na ni "Frontline Pilipinas" showbiz news anchor Kaladkaren ang kaniyang legal at married name na "Jervi Wrightson" nang siya ay bumalik sa Pilipinas bilang isang bagong kasal noong Lunes, Setyembre 30.

Ipinakilala niya ang sarili bilang "Ako po si Jervi Wrightson" sa isang primetime newscast, kasabay ng debut ng kaniyang bagong chin-length hairdo.

Matapos magpakasal sa kaniyang longtime partner na si Luke Wrightson noong Setyembre 8 sa England, ipinahayag ni Jervi ang kaniyang kasiyahan sa kaniyang bagong yugto ng buhay.

Jervi Wrightson | So happy I did the newscast today as Jervi Wrightson!!! New name, new look! This is just the beginning! | Instagram

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

Aniya “So happy I did the newscast today as Jervi Wrightson!!! New name, new look! This is just the beginning!” aniya sa isang social media post.

Umani ng positibong komento ang naturang post:

“This is Monumental! Maaaaa Big Congratulations"

“Imagine having a name that sounds soooo gorgeous it sounds like a drag name.”

“Finallyy!! I love that for you!!”

“Omg this is the grandest pasabog of the year!!”

“Lovette, nag-uulat Jervi Wrightson"

Bilang isang transwoman, ipinahayag ni Kaladkaren ang kaniyang kasiyahan matapos magamit ang married name sa national TV.

Matatandaang bitbit pa rin ni Kaladkaren ang screen name niya nang kunin siyang kauna-unahang transwoman broadcaster sa Frontline Pilipinas, na umukit ng kasaysayan sa telebisyon.

Ang pangalang "Kaladkaren" ay naging paborito ng mga tagahanga at manonood nang pumasok siya sa industriya ng entertainment dahil nga sa panggagaya kay ABS-CBN at TV Patrol news anchor Karen Davila, kaya't ito ang naging kanyang tatak sa madla.

Mariah Ang