Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) sa kanilang official website ang larawan ng naging pag-uusap nina DepEd Sec. Sonny Angara at first Filipino Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa pagbisita niya sa Central Office noong Miyerkules, Oktubre 2, 2024.
Sa isang maiksing detalye isinaad ng DepEd ang inisyatibo umano ni Diaz na pangunahan ang programa na magpapatibay sa pagkakaroon ng weightlifting training and clinic program ng DepEd.
Makikita rin ang larawan ng pagpupulong sa Facebook post ni DepEd Sec. Sonny Angara.
Ang naturang nilulutong programa ay bilang paghahanda umano na maisama na rin ang weightlifting sa taunang Palarong Pambansa.
Matatandaang si Hidilyn ang kauna-unahang Pinoy na nag-uwi ng karangalan sa bansa sa Olympics matapos siyang magkamit ng gintong medalya noong 2020 Tokyo Olympics.
Samantala, umugong na rin noon ang umano'y posibilidad na maisama ang gymnastics at weightlifting sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na pinag-aaralan na rin umano ng UAAP board.
KAUGNAY NA BALITA: UAAP Board binabalak idagdag ang gymnastics, weightlifting sa liga
Kate Garcia