Naghain na ng certificate of candidacy (COC) si reelectionist Senador Imee Marcos ngayong Miyerkules, Oktubre 2, kasama ang kaniyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.
Si Marcos ay tatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party ngunit nilinaw niyang hindi siya kaalyado ng anumang grupo.
"Hindi po ako kaalyado ng anunmang pangkat, anumang sektor, anumang grupo kaya tinataya ko na ako'y mananatiling malaya at matatag," saad ng senadora.
Samantala, sinagot din ni Marcos kung tatanggapin ba niya kung sakali ang endorsement ni Vice President Sara Duterte.
"Hindi natin alam. Ang hinihiling ko 'yung endorsement ng lahat. Sana talaga tuloy-tuloy ang pagsusuporta at pagmamahal sa akin," aniya.
Matatandaang inendorso siya ng kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos bilang senatorial candidate ng administrasyon sa 2025 elections. Gayunman, sinabi ni Sen. Imee na titindig siyang mag-isa sa darating na halalalan.
BASAHIN: Sen. Imee Marcos, piniling tumindig mag-isa sa 2025 elections