December 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

PBA legend Bong Alvarez, sasabak na sa politika

PBA legend Bong Alvarez, sasabak na sa politika

Manabik din kaya ang mga botante kay “Mr. Excitement?”

Magtatangkang pasukin ni Philippine Basketball Association (PBA) Legend Paul “Bong” Alvarez ang politika matapos maghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 2, 2024.

Pormal na inihain ni Alvarez ang kandidatura sa pagtakbo bilang konsehal ng District 3 sa Maynila. Kasama si Alvarez sa slate ni dating Manila Mayor Isko Moreno na nagtatangka ring makabalik sa kaniyang iniwang posisyon matapos ang pagtakbo niya bilang Presidente noong 2022.

Kilala si Bong Alvarez sa PBA bilang “Mr. Excitement,” dahil sa madikdikan niyang karera noon kung saan nakapagtala rin siya ng 71 puntos sa isang single game noon para sa kaniyang dating koponan.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Sino-sino nga ba ang mga highest scoring Filipino PBA players?

Si Alvarez ay ilan lamang sa mga manlalaro ng PBA na magtatangkang kumasa sa serbisyo publiko at tila sumunod sa yapak nina Blackwater player James Yap na konsehal na ngayon ng San Juan, dating Alaska player Dondon Hontiveros na Vice Mayor ng Cebu City, dating Talk ‘N Text player Vergel Meneses na Mayor ng Bulakan, Bulacan at dating San Miguel Beermen player Gary David na konsehal sa Dinalupihan, Bataan.

Kate Garcia