Sinabi ni Magdalo Partylist 1st nominee Gary Alejano na maghahain sila ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kapag pinalad silang manalo sa May 2025 midterm elections.
Nitong Miyerkules, Oktubre 2, naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Magdalo Partylist.
Sa panayam sa mga mamamahayag, itinanong kay Alejano kung maghahain ba ang Magdalo ng naturang complaint laban kay Duterte.
"Kung mananalo at sa mga nakikita ko pong mga violation against the constitution, malaki po ang posibilidad na maghain po ako ng impeachment [complaint] against the vice president," aniya.
KAUGNAY NA BALITA: Neri Colmenares, may pahayag tungkol sa impeachment complaint laban kay VP Sara
---
Matatandaang kamakailan lamang ay iginiit ni ACT Teachers party-list France Castro na “impeachable offense” umano ang maling paggamit ng pera ng bayan matapos maglabas ang Commission on Audit (COA) ng notice of disallowance ng P73 million sa P125-million na confidential fund ng opisina ni Duterte noong 2022.
Inihayag naman ni House Deputy Speaker at Quezon 2nd district Rep. David "Jay-jay" Suarez na "marami" umano sa kaniyang mga kasamahang kongresista ang gustong hilingin kay Duterte na "bumaba" sa puwesto kaugnay ng kaniyang mga aksyon sa nagpapatuloy na budget plenary debates.
BASAHIN: 'Maraming' kongresista, nais nang pababain si VP Sara sa puwesto -- Rep. Suarez
Nanindigan si Duterte na hindi siya magre-resign.
BASAHIN: Para sa 32 milyon na bumoto sa kaniya: VP Sara, nanindigang hindi siya magre-resign