December 23, 2024

Home BALITA

Ilang estudyante, guro sa Thailand, nasunog nang buhay matapos magliyab sinasakyang bus

Ilang estudyante, guro sa Thailand, nasunog nang buhay matapos magliyab sinasakyang bus
Photo courtesy: Screenshot from Associated Press (website)

Nauwi sa kalunos-lunos na aksidente ang dapat sana’y pauwing grupo ng mga mag-aaral sa Thailand mula sa kanilang field trip matapos masunog ang sinasakyang bus ng mga ito noong Martes, Oktubre 1, 2024.

Ayon sa ulat ng local media sa Thailand, tinatayang nasa 44 na katao ang sakay ng nasabing bus at 23 ang kumpirmadong nasawi kung saan 20 sa mga ito ay mga bata at tatlo ang naiulat na guro. Ang natitirang 21 naman ay nakaligtas sa sunog kabilang ang driver na sinasabing tumakas.

Ayon pa sa mga ulat, mabilis umanong nilamon ng apoy ang bus sa kahabaan ng Thai capital sa hindi pa matukoy na dahilan. Ilang saksi rin umano ang nagpahayag na sumalpok pa ang nasusunog na bus sa isang concrete barrier.

Samantala, ayon naman kay Transport Minister ng Thailand na si Suriyahe Juangroongruangkit, sinabi niyang ang naturang bus ay binubuo umano ng “extremely risky” na compressed natural gas.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The ministry must find a measure… if possible, for passenger vehicles like this to be banned from using this type of fuel because it’s extremely risky,” saad ni Suriyahe sa media.

Iginiit din ni Piyalak Thinkaew, forensic police na siyang nanguna sa pagrekober ng katawan ng mga biktima, na malubha umano ang pagkasunog ng mga katawan, dahilan kung bakit mas mahirap daw matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

“Some of the bodies we found were very, very small," ani Thinkaew.

"The kids' instinct was to escape to the back so the bodies were there.”

Nasakote naman ng pulisya ang driver ng naturang bus matapos niyang tumakas.

Samantala, 16 na mga estudyante mula sa 21 na nakaligtas ang nilapatan ng paunang lunas matapos ang agaran umaning pagdating ng rescuers habang ang ilan naman daw ay isinugod sa patRangsit Hospital, na siyang pinakamalapit sa ospital sa lugar ng aksidente.

Sa panayam pa ng media sa isa umanong rescuer mula sa Ruam Katanyu Foundation, sinabi nito na naikwento pa raw ng isang guro kung paano sila nagpumilit makatalon mula sa bus at sa bintana. Saad pa niya, lumalabas din umano sa imbestigasyon na marami sa mga biktima ay nagsiksikan sa likuran ng bus, kung saan narekober ang kanilang katawan.

Patuloy pa rin umano ang isinasagwang imbestigasyon ng mga awtoridad pati na rin ang DNA testing sa lima pang hindi tukoy na pagkakakilanlan ng mga katawan sa nasabing aksidente.

Kate Garcia