Naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Vendors Partylist sa pangunguna ni 4th nominee Deo Balbuena o mas kilala bilang “Diwata” para sa 2025 midterm elections, sa pangalawang araw ng filing ngayong Miyerkules, Oktubre 2, na ginaganap sa Manila Hotel Tent City.
Ayon kay Diwata, ang Vendors Partylist ay naglalayong bigyang-boses ang bawat maninindang Pilipino na kadalasan daw na hindi naririnig ang tinig lalo na sa pamahalaan.
Adbokasiya raw ng partido na tulungan ang mga maninindang Pilipino lalo na sa pamumuhunan.
"Ang advocacy talaga ng Vendors partylist para po sa lahat ng vendors, para tulungan 'yong mga vendors, 'yong mga nagtitinda, kasi 'di ba 'pag vendors tayo importante talaga 'yong puhunan. Hindi kasi makakapagtinda 'pag wala kang puhunan. Isa pa 'yan sa mga adbokasiya na dapat naming gawin 'pag binigyan kami ng pagkakataon para makaupo diyan sa puwesto."
Si Diwata ay sumikat dahil sa kaniyang pares overload.