January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Boss Toyo 'nag-file' na rin: 'Wala na 'ko magagawa, ito sinisigaw ng taong-bayan!'

Boss Toyo 'nag-file' na rin: 'Wala na 'ko magagawa, ito sinisigaw ng taong-bayan!'
Photo courtesy: Boss Toyo (FB)

Napa-second look sa Facebook post ng social media personality at Pinoy Pawnstar vlogger na si "Boss Toyo" ang mga netizen, matapos niyang ipakita ang tila pagfa-file niya ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Pero ang larawan niya habang tila may ipinakikitang hawak na COC ay edited lamang.

"at eto na nga po!! wala na ako magagawa dahil eto ay sinisigaw na ng taong bayan!! kaya ako ho ay nagdesisyon na magfile na!! at eto ay aking napagdesisyunan kagabi. pasensya na ho at kelangan ko tong gawin para sa pamilya at aking bayan.

mahal ko ang pilipinas!" mababasa sa Facebook post nitong Lunes, Oktubre 1.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"kaya ako ho ay magfifile na ng VACATION LEAVE hahaha at bukas ay nsa hongkong po aq gang sa atres kita kits po jan.

hahahaha si toyo toh mah men."

Muling ipinaliwanag ng social media personality na wala siyang balak tumakbo sa kahit na anong posisyon sa pamahalaan.

"pero ang totoo bkit hindi ako tatakbo?? alam ko sa sarili ko na puro at tunay ang intensyon pero wla akong alam sa governance oo matalino ako at me utak pero hindi un sapat.mas gagalingan ko pa sa mga susunod na taon para maging qualified ako sa mga tao."

"at isa pa totoo un hindi porket sikat ka eh tatakbo na. para sa akin hindi circus o laro o comedy bar ang pamumuno. kaya sa ngaun mas gagalingan ko pa para kung sakali sa susunod na mga panahon eh bka maisipan ko na din tumakbo," dagdag pa niya.

Bukod dito, nauna na niyang ipinaliwanag sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 30 ang dahilan kung bakit hindi siya tatakbo sa alinmang posisyon sa gobyerno, kahit na marami daw ang humihimok sa kaniya.