December 23, 2024

Home BALITA

ALAMIN: Digital services na apektado ng 12% VAT na pinirmahan ni PBBM

ALAMIN: Digital services na apektado ng 12% VAT na pinirmahan ni PBBM
Photo courtesy: Presidential Communication Office (website) and Pexels

Hilig mo rin ba ang “binge watching?” Baka isa ka sa mga maaapektuhan nito!

Opisyal nang pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Republic Act (RA) 12023 o Value-Added Tax on Digital Services Law na nagtatakda ng 12% Value Added Tax (VAT) para sa lahat ng non-resident digital services providers (DSPs), ngayong Miyerkules, Oktubre 2, 2024.

Sakop ng nasabing batas ang DSPs o mga online content/services providers na walang offices sa bansa at tanging sa pamamagitan lamang ng internet nakapagbibigay ng mga serbisyo.

Ayon sa pahayag ni PBBM sa ceremonial signing sa Malacañan Palace, nilalayon lamang nitong mas mapagtibay pa ang kapangyarihan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa tamang proseso ng paniningil ng buwis sa online platforms.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“But make no mistake, we are not imposing new taxes, we are simply strengthening the authority and streamlining the process of the BIR to collect value-added tax on digital services,” anang Pangulo.

Ilan sa karaniwang digital services na gamit ng mga Pilipino na apektado ng VAT, ay ang Netflix, HBO, Disney plus, Google, Lazada, Shopee, music streaming platforms at iba pa.

Nilinaw rin naman ng Pangulo na hindi kasamang papatawan ng VAT ang mga online services na nagbibigay ng educational and research services, katulad na lamang online courses at webinars.

Kate Garcia