Kauna-unahang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa pagka-senador para sa 2025 midterm elections.
Inihain ni Lee ang kaniyang COC nitong Martes ng umaga, Oktubre 1, sa Manila Hotel Tent City.
Sinabi ng mambabatas na tumatakbo siya ilalim ng Aksyon Demokratiko. Nangako siya na itutuloy niya ang pagpapaunlad ng healthcare programs para sa mga Pilipino.