Natanong ni ABS-CBN News Channel news anchor Karmina Constantino ang political analyst na si Edmund Tayao kung ano ang pananaw niya hinggil sa posibilidad na magkaroon ng alyansa sina Vice President Sara Duterte at dating Vice President Leni Robredo, sa hinaharap.
Matatandaang lumikha ng ingay sa mundo ng politika ang balitang pagdalaw ni Duterte kay Robredo sa mismong tahanan nito sa Naga City, Camarines Sur, sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan ng Ina ng Peñafrancia.M
MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga
Paliwanag ng dalawang kampo, ang pagbisita ni VP Sara ay "personal" at walang bahid-politika.
Saad ni Tayao, sa palagay niya ay hindi makabubuti sa imahen ng dalawang lider ang posibleng alyansa, kung matutuloy man.
Naniniwala rin umano si Tayao na may "agenda" ang pagdalaw ni VP Sara sa tahanan ng kaniyang predecessor.
"It's really quiet impossible for them to even see each other, so the fact that they met each other, regardless of whatever excuse that there was a fiesta, that people really go there and see the former vice president, that's fine, no problem with that," paliwanag ni Tayao.
Pero naniniwala si Tayao na may political agenda ang pagkikitang ito.
"I'm assuming that they are exploring a possible alliance," aniya pa.
"Kaya nga I'm trying to jump the gun here no, na hindi makabubuti sa parehong grupo kung naiko-consider nila 'yong alyansa. In fact, if I'm not mistaken, even their allies were quite surprised that that meeting actually happened," paliwanag pa ng political analyst na panauhin sa programang Dateline Philippines.