January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M

Lars Pacheco naadik sa online sugal, nalustayan ng ₱5M
Photo courtesy: Screenshots from Lars Pacheco (FB)

Matapang na ibinahagi ng transwoman beauty queen na si Lars Pacheco ang kaniyang pinagdaanan sa pagkagumon niya sa bisyo ng iba't ibang online gambling na masasagawa na sa pamamagitan ng nada-download na applications o apps sa cellphone.

Sa kaniyang social media video statement na may pamagat na "How I lost 5 million in Online Gambling," isinalaysay ni Lars kung paano niya natuklasan ang paglalaro ng iba't ibang online gambling, na noong una raw ay talagang nagbibigay-kasiyahan sa kaniya lalo na kapag nakakatikim ng panalo.

Una raw siyang nalulong sa "online sabong" habang sa natuto na nga raw siyang sumipat sa mga manok na panabong na sa palagay niya ay dapat tayaan.

Hanggang sa sinubukan na rin niya ang iba pang uri ng online gambling gaya ng Bingo at Baccarat. Pati rin ang simpleng "Pula Puti" ay pinatulan din niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dumating pa raw sa puntong natuto na siyang magsinungaling sa mga kaibigan sa tuwing nagpapa-deposit sa bangko para magkaroon ng balanse ang account at makataya siya sa mga online game.

Noong una raw ay nagawa niyang tumigil dito, subalit sa tuwing nahihimok siyang maglaro, ay nagtutuloy-tuloy na naman hanggang sa hindi na siya maawat.

Tinatayang umabot na sa 5 milyong piso ang halaga ng mga nawala sa kaniya dahil sa pagsusugal online. 

Bukod dito, nagkabaon-baon din siya sa mga utang. 

Ginawa raw niya ang video para magbukas ng awareness at realisasyon na rin sa kaniya para sa lahat na maging responsable sa paghawak ng kanilang pera. Nagdasal daw siya sa Panginoon na sana ay gabayan siyang tigilan na ang ginagawa niya bago pa siya maubusan ng salapi.

“Sobrang naging selfish ko. Sobrang naging yabang ko sa sarili ko na kaya kong ipanalo ang lahat, hanggang ako mismo nalunod sa sarili ko," aniya.

"Ginawa ko itong video na ito for realization. Na tumigil ka na. Alam kong nahihirapan ka. Alam kong nanghihinayang ka sa lahat ng napatalo mo. Tanggapin mo na na hindi na kayang bawiin pa lahat ng ‘yon. Oo, ikaw! Quit this gambling now! Quit this evil now! I just want you to know na hindi pa huli ang lahat para sa’yo,” sambit ni Lars sa sinumang kagaya niyang nalulong sa bisyo ng online gambling.