December 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

House Speaker Martin Romualdez, humirit ng re-election sa Leyte

House Speaker Martin Romualdez, humirit ng re-election sa Leyte
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nagsumite na ng certificate of candidacy si House Speaker Martin Romualdez sa tanggapan ng Comelec sa Tacloban City ngayong araw ng Martes, Oktubre 1, upang muling kumandidato sa pagiging representative ng unang distrito ng Leyte.

Ayon kay Romualdez, isang malaking karangalan daw ang pagsilbihan ang kaniyang mga kababayan, kaya muli siyang tumatakbo sa pagka-kongresista.

"Ang patuloy na suporta ng ating mga kababayan ang inspirasyon ko upang ipagpatuloy ang ating nasimulan. Isa pong malaking karangalan ang magsilbi sa Leyte at sa buong bansa,” pahayag ni Romualdez matapos ang filing ng COC, na mababasa rin sa kaniyang opisyal na Facebook page. 

"Patuloy nating isusulong ang mga programa na magbibigay ng mas maraming oportunidad hindi lamang sa Leytenos kundi pati sa lahat ng Pilipino, lalo na sa larangan ng agrikultura at turismo."

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

"Ang mandatong ibinibigay sa akin ng aking mga kababayan ang pinakamahalaga. Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy," saad pa niya.

#Leyte1stDistrict #Leyte #MartinRomualdez... - Martin Romualdez | Facebook

Bukod sa kaniya, kasama rin niyang naghain ng COC sina Tingog Party-list Rep. Jude Acidre at kaniyang anak na si Ferdinand Martin Romualdez Jr. na tatakbong konsehal ng Tacloban City.

Kung patuloy na papalarin, ito na ang ika-6 na termino ni Romualdez sa nabanggit na posisyon.

Si Romualdez ay pinsang buo nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Sen. Imee Marcos.