Ibinida ng social media personality na si Ronie Suan o mas kilala bilang "Boy Tapang" ang pagsusuot niya ng crop top at baggy pants, inspirasyon mula sa outfit ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kamakailan.
Makikita sa vlog at social media posts ni Boy Tapang ang pag-pose niya habang nasa loob ng isang convenience store, habang nakasuot ng crop top. Bitbit naman niya ang isang black purse.
Pabirong "sinisi" pa ni Boy Tapang ang atleta dahil sa trending na pag-flex nito ng kaniyang damit.
"kasalanan mo talaga toh Carlos Edriel Yulo," mababasa sa caption niya.
Isa si Caloy sa male celebrities na tila bine-break ang gender stereotypes pagdating sa pagsusuot ng mga damit gaya ng crop top. Isa na rito ang Kapamilya actor-singer na si Kyle Echarri.
Sey ng mga netizen, binabagayan din ang pagsusuot ng crop top lalo na kapag firm at toned ang katawan ng lalaki.
Anyway, mukhang mapapasama na si Boy Tapang sa listahan ng Balita sa mga male personality na nagsuot ng crop top at ibinalandra ito sa social media.