November 22, 2024

Home SHOWBIZ

₱20M Bentley car ng yumaong ama, kasama sa pina-auction ni Sam Verzosa

₱20M Bentley car ng yumaong ama, kasama sa pina-auction ni Sam Verzosa
Photo courtesy: Sam Verzosa (FB)

Minabuti raw ng TV host, negosyante, at Manila City mayoral aspirant na si Sam Verzosa na i-let go na ang luxury car na Bentley na pagmamay-ari ng kaniyang pumanaw na amang si Sam Verzosa, Sr., na isinama na niya sa isinagawang auction kamakailan.

Matatandaang nagsagawa ng auction sa mga koleksyon niya ng mamahaling kotse ang kakandidato sa pagka-alkalde ng Maynila, bilang pondo para sa balak niyang pagpapatayo ng diagnostic and dialysis center sa lungsod.

"Pag Tupad sa Aking Pinangako noong 2021 To God be all the Glory," Facebook post niya noong Setyembre 29.

Sa panayam kay Verzosa ng ABS-CBN News, sinabi niyang may sentimental value sa kaniya ang Bentley car na pagmamay-ari ng kaniyang pumanaw na ama kaya noong una ay nagdalawang-isip siyang isama ito sa auction.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"'Yong [Bentley] pinaka-sentimental car diyan. Inisip ko kung gusto ko keep or benta kasi wala na father ko. It was one of his dream cars. ‘Yon rinequest niya sa akin sana bilhin ko. Pero noong na-order ko na, he passed away before it arrived," paliwanag ni Sam. 

Subalit naisip niya, mas matutuwa raw ang ama kung ang perang naibili rito ay magagamit sa mas kapaki-pakinabang na layunin.

"Sana Proud ka dyan sa Langit Papa Sammy ko," saad niya sa kaniyang Facebook post.

Tinatayang umabot daw sa ₱200M ang na-raise na pondo ni Verzosa mula sa 10 mamahaling vehicles na nabili sa kaniya.