January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Zanjoe Marudo, kakandidato sa darating na midterm elections?

Zanjoe Marudo, kakandidato sa darating na midterm elections?
Photo Courtesy: ASAP NA Partylist (FB)

Usap-usapan ang isang art card kung saan makikita ang larawan ng aktor na si Zanjoe Marudo at ang tila slogan ng ASAP NA Partylist.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Setyembre 29, naitanong ni showbiz insider Ogie Diaz kung totoo bang nominado si Zanjoe ng nasabing partylist.

“Tatakbo nga ba si Zanjoe Marudo bilang partylist representative? [...] Ito nga ‘yong sinabi ni Zanjoe: ‘Laging mong tatandaan: ‘Walang pagsubok na hindi mo kayang lagpasan,’” saad ni Ogie.

“‘Yong nire-represent niya ‘yong ASAP NA Partylist. Ito ‘yong Alyansa Laban sa Substance Abuse para sa Bagong Pilipinas Natin,” wika niya.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Dagdag pa ng showbiz insider: “Hindi naman para husgahan si Zanjoe. [...] Lahat naman may karapatan basta ikaw ay natural born Filipino at ikaw ay naninirahan sa Pilipinas…at siyempre ikaw ay nasa wastong gulang.”

Sa ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmasyon mula kay Zanjoe kung talagang sasabak na rin siya sa politika.