January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tatakbo rin? Vivian Velez, may nilinaw sa pagkakaroon ng posisyon sa PDP

Tatakbo rin? Vivian Velez, may nilinaw sa pagkakaroon ng posisyon sa PDP
Photo courtesy: Vivian Velez (FB)/PDP Laban (FB)

Nilinaw ng aktres at Vice President para sa National Capital Region ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na si Vivian Velez na hindi siya tatakbo sa alinmang posisyon sa darating na 2025 midterm elections.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Vivian na bagama't isa siya sa limang VP ng PDP, hindi raw ito nangangahulugang kasama siya sa mga tatakbo sa eleksyon. Naganap ang pagtatalaga sa kanila sa National Assembly ng PDP noong Setyembre 20, na ginanap sa Davao City.

Siya raw ang kinatawan para sa NCR para sa pangangampanya upang matiyak ang victory o panalo ng mga kinatawan nilang kandidato para sa nalalapit na halalan.

"Thank you for the trust that the PDP membership has placed in me. I would like to clarify that I am not running for public office. Instead, I am fully committed to supporting our PDP members who are seeking election," pasasalamat at paglilinaw ni Vivian.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"As both the National Vice President and Regional President of NCR, I pledge to dedicate my full effort to ensuring our candidates achieve victory in 2025, with the invaluable support of our dedicated volunteers," aniya pa.

Vivian Velez - Thank you for the trust that the PDP membership has... | Facebook

Si Vivian ay masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ng kasalukuyang Vice President Sara Duterte.

Noong 2022, sinuportahan ni Velez ang kandidatura ni dating Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso.