November 23, 2024

Home BALITA National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail
Photo courtesy: Polytechnic University of the Philippines Open University System (FB)

Ibinalita ng Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUP OUS) na nagsagawa na rin sila ng on-site classes para sa mga babaeng "Persons Deprived with Liberty (PDLs)" sa Manila City Jail, araw ng Lunes, Setyembre 30.

Ayon sa kanilang Facebook page, ang degree program na offer nila sa female PDLs ay Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.

Follow-up ito sa matagumpay na implementasyon ng synchronous class para naman sa male PDLs.

Nag-facilitate umano ng programa ay ang course specialists na sina Adrian Gallano, Perla Patriarca, at Milcah Dele Fuente, na sinusubaybayan naman ni Asst. Prof. Mark Christian Catapang, program chair nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"This endeavor underscores PUP's unwavering commitment to inclusivity and second chances. By providing access to quality education, the university hopes to empower these women, equip them with valuable skills, and pave the way for their successful reintegration into society upon release," mababasa pa sa post ng PUP OUS.

KAUGNAY NA BALITA: 72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University