November 19, 2024

Home BALITA Politics

PBBM, talo sa 2022 presidential race kung kinalaban ni Bong Go, sey ni Panelo

PBBM, talo sa 2022 presidential race kung kinalaban ni Bong Go, sey ni Panelo

Sinabi ni Atty. Salvador Panelo na kung tumakbo raw bilang pangulo si Senador Bong Go noong 2022 elections, matatalo raw nito si Pangulong Bongbong Marcos Jr. 

Sa kaniyang livestream nitong Sabado ng gabi, Setyembre 28, may katanungang sinagot si Panelo tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. 

"Atty. Sal, kung hindi nakipag-tandem si VP Sara [Duterte] kay BBM [Bongbong Marcos Jr.] noong 2022, matatalo ba si BBM at bakit?" tanong ng netizen. 

"Depende kung sino ang kalaban niya. Kasi kung ang kalaban niya [PBBM] si Bong Go, na gustong patakbuhin ni [dating] Presidente [Rodrigo] Duterte noon at sinusuportahan ng halos lahat ng gobernador, matatalo si BBM. At the same time, 'yung apat na kandidato [sa pagkapangulo] mahahati 'yung mga boto. Pero si Bong Go dahil [maka] Duterte, siya ang mananalo. Pero wala eh, hindi siya tumakbo," saad ng dating presidential legal counsel. 

Politics

VP Sara, sinabihan si Sen. Imee na itatapon niya katawan ni Marcos Sr. sa West Philippine Sea

"Ngayon kung wala si Bong Go, si Bongbong lamang at wala si Inday Sara, matatalo--hindi sa matatalo kundi mahihirapan manalo kasi apat ho ang kalaban niya, kahit sino sa kanila puwedeng manalo kasi 'yung apat na 'yon anti-Duterte eh. Ngayon kung sa pagtakbo niya ay pinupuri niya si [Rodrigo] Duterte, ma-identify siya na maka-Duterte, mananalo siya over the four," dagdag pa niya. 

Gayunman, hindi nabanggit ni Panelo kung sino 'yung apat na presidential candidate na tinutukoy niyang naging kalaban ni Marcos noong 2022 at mga umano'y anti-Duterte. 

Noong 2022, siyam ang naging kalaban ni Marcos: Ito'y sina Ernie Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Manny Pacquiao, at Leni Robredo. 

Kaugnay nito, balak umano ni Panelo na patakbuhin si Senador Robin Padilla bilang pangulo sa 2028 sakaling hindi tumakbo si VP Sara.

BASAHIN: Panelo, patatakbuhin si Padilla bilang pangulo sa 2028 kapag ‘di tumakbo si VP Sara