November 24, 2024

Home BALITA National

PBBM sa pagkalas ni Sen. Imee sa senatorial lineup niya: ‘That’s fine, that’s her choice’

PBBM sa pagkalas ni Sen. Imee sa senatorial lineup niya: ‘That’s fine, that’s her choice’
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos at Senador Imee Marcos (Facebook)

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ayos lamang sa kaniya ang naging desisyon ng kaniyang ateng si Senador Imee Marcos na kumalas sa kaniyang senatorial lineup at tumindig mag-isa bilang kandidato sa 2025 midterm elections.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Martes, Setyembre 30, sinabi ni PBBM na naiintindihan niya ang hindi pagtakbo ni Sen. Imee sa pagkasenador sa ilalim ng “Alyansa sa Bagong Pilipinas.”

"That's fine. I have run as an independent myself many times. That is her choice, I suppose it gives her a little bit of scope and freedom in making her schedule, campaign in the way that she would like to do," ani PBBM.

Sa kabila nito, sinabi rin ng pangulo na patuloy pa ring susuportahan ng Alyansa si Sen. Imee, at tatanggapin pa rin daw nila ito kapag piniling sumali sa kanilang kampanya.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"The Alyansa is still behind her, we will still continue to support her. And if down the road, she chooses to join us in our campaign sorties, she is, of course, very welcome," saad ni PBBM.

Matatandaang noong Setyembre 26, 2024, nang ianunsyo ni PBBM ang 12 line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyon para sa susunod na eleksyon, kung saan kasama nga rito si Sen. Imee.

MAKI-BALITA: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

Samantala, noon lamang Sabado, Setyembre 28, nang maglabas ng pahayag si Sen. Imee upang sabihing titindig umano siyang mag-isa sa darating na halalan.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, piniling tumindig mag-isa sa 2025 elections