November 24, 2024

Home BALITA National

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG

PBBM, may napipisil nang kapalit ni Abalos bilang kalihim ng DILG
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos at DILG Sec. Benhur Abalos (Facebook)

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may napipisil na siyang kapalit ni senatorial aspirant Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Setyembre 30, sinabi ni Marcos dalawa ang nasa “shortlist” niya ng posibleng pumalit kay Abalos sa DILG.

Nang tanungin naman ang pangulo hinggil sa pangalan ng napipisil niyang bagong kalihim ng DILG, ani Marcos: “Pabayaan muna natin si Secretary Abalos na magtrabaho. I don't want him to feel that we're already pushing him out, considering, especially that he has done such a good job at DILG.”

Dagdag ni Marcos, iaanunsyo nila ang kapalit ni Abalos sa puwesto kapag naghain na ito ng kandidatura sa pagkasenador sa 2025 midterm elections.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Matatandaang kabilang si Abalos sa 12 line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyong Marcos para sa susunod na eleksyon.

MAKI-BALITA: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa senatorial slate niya: 'This will lead us to a stronger, more prosperous PH'