January 22, 2025

Home BALITA Politics

Panelo, patatakbuhin si Padilla bilang pangulo sa 2028 kapag ‘di tumakbo si VP Sara

Panelo, patatakbuhin si Padilla bilang pangulo sa 2028 kapag ‘di tumakbo si VP Sara
photos courtesy: VP Sara Duterte (Inday Sara Duterte/FB), Atty. Salvador Panelo (Sal Panelo/TikTok live), Sen. Robin Padila (Robin Padilla/FB)

Balak umano ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na patakbuhin si Senador Robin Padilla bilang pangulo sa 2028 sakaling hindi tumakbo si Vice President Sara Duterte.

Nasabi ito ni Panelo sa kaniyang livestream nitong Sabado, Setyembre 28, nang mapag-usapan ang tungkol sa umano'y umuusbong na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sinabi niya na kapag tinuloy ang impeachment ay magiging political martyr umano si Duterte, na mamahalin umano ng taumbayan. 

"Maabsuwelto man o hindi, tandaan ninyo sasabihin ko, si Inday Sara ay magiging isang political martyr at siya ay yayakapin ng taumbayan na sukang-suka na sa panlalapastangan sa kaniyang karapatan at paninira sa kaniya. Yayakapin si Inday Sara, mamahalin ng taumbayan. Parurusahan ang mga nasa likod ng kalapastanganang ito at darating ang panahon na 'yang mga 'yan, mga lumapastangan na 'yan, ay mawawala sa kapangyarihan," pahayag ni Panelo.

Politics

Pagdalo nina Chel Diokno, Bam Aquino, Sen. Hontiveros sa Sinulog, sinalubong ng bash?

Sigurado rin daw si Panelo na magiging presidente ng bansa ang bise presidente. 

"At si Inday Sara naman ay tatahakin ang daan na tinahak ng kaniyang amang si [dating] Presidente Rodrigo Roa Duterte. She can now lay a valid claim for a rightful succession to the presidency, magiging presidente rin ho siya. Maniwala kayo. Absuwelto man o ma-convict 'yan sigurado magiging presidente ng bansa 'yan. Maliban na lang kung hindi siya tumakbo," aniya.

At kung sakali raw na hindi tumakbo si Duterte sa 2028... 

"Kapag hindi siya [VP Sara] tumakbo, si Robin Padilla ang patatakbuhin natin."

***

Matatandaang kamakailan lamang ay iginiit ni ACT Teachers party-list France Castro na “impeachable offense” umano ang maling paggamit ng pera ng bayan matapos maglabas ang Commission on Audit (COA) ng notice of disallowance ng P73 million sa P125-million na confidential fund ng opisina ni Duterte noong 2022.

Inihayag naman ni House Deputy Speaker at Quezon 2nd district Rep. David "Jay-jay" Suarez na "marami" umano sa kaniyang mga kasamahang kongresista ang gustong hilingin kay Duterte na "bumaba" sa puwesto kaugnay ng kaniyang mga aksyon sa nagpapatuloy na budget plenary debates.

BASAHIN: 'Maraming' kongresista, nais nang pababain si VP Sara sa puwesto -- Rep. Suarez

Nanindigan si Duterte na hindi siya magre-resign.

BASAHIN: Para sa 32 milyon na bumoto sa kaniya: VP Sara, nanindigang hindi siya magre-resign

Kung may planong tumakbo bilang pangulo sa 2028, sinabi ni Duterte na “wala akong planong ganiyan.”

BASAHIN: VP Sara, may plano nga bang maging pangulo ng Pilipinas?