Nakataas pa rin sa Signal No. 4 ang lalawigan ng Batanes dahil sa bagyong Julian na napanatili ang lakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 30.
Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Typhoon Julian sa coastal waters ng Sabtang Island, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Dahil dito, bukod sa Batanes na nakataas sa Signal No. 4 ay nakataas din sa ang Signal No. 3, 2, at 1 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:
Signal No. 3:
Babuyan Islands
Signal No. 2:
Mainland Cagayan
Apayao
Abra
Kalinga
Ilocos Norte
Northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Emilio, Lidlidda, Banayoyo, Santiago, Santa Maria, Burgos, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Santa, Caoayan, Bantay, Santo Domingo, San Juan, San Vicente, San Ildefonso, Magsingal, Santa Catalina, City of Vigan)
Signal No. 1:
Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Northern at central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis)
Northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
Base sa forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyo pa-west northwestward hanggang pa-northwest sa Bashi Channel ngayong Lunes at saka magsisimulang mag-recurve bukas ng Martes, Oktubre 1.
Patuloy rin daw na lalakas ang bagyo at inaasahang itataas sa “super typhoon” category ngayong tanghali o gabi.