January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Diwata, may pa-unli breakfast buffet na; paresan, lugi na raw ba?

Diwata, may pa-unli breakfast buffet na; paresan, lugi na raw ba?
Photo courtesy: Screenshots from Unang Hirit (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang bagong "business venture" ng social media personality-paresan owner na si "Diwata" matapos niyang i-flex ang kaniyang unlimited breakfast buffet.

Tampok sa GMA morning show na "Unang Hirit," ibinida ni Diwata kung ano-anong mga pagkain ang kabilang sa nabanggit na breakfast buffet, na nagkakahalaga lamang ng ₱169.

Ibinida ni Diwata ang mga putaheng mapagpipilian ng mga parukyano gaya ng adobong manok, longganisa (may balat at skinless), itlog, hotdog, okra at talong with kamatis at bagoong, "spagiti [spaghetti] overload," sinangag at plain rice, champorado, tuyo, lugaw, tokwa't baboy, at siyempre, hindi mawawala ang tumatak at nakilala sa kaniyang Diwata Pares Overload.

Bukod sa mga nabanggit na pagkain ay unlimited din ang drinks niya kaya hindi na mamomroblema kapag nahiliran.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

Nagpasalamat naman si Diwata sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniyang Diwata Pares Overload mula noon hanggang ngayon, na nadagdagan lamang ng unli breakfast buffet, kaya hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang nalugi at hindi na dinadagsa ng mga parukyanong suki ang paresan ng social media personality.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"I-bash niyo daw ng i-bash si Diwata kasi nakakatulong daw sa kanya yan at nagiging inspirasyon niya daw kayo para magsumikap pa sa buhay sa nag post nito da more comments and like the more earnings to make..."

"Pag nagkomento ng real talk, basher agad, ampalaya agad, inggit pikit agad... halatang hindi kayang makipagdiskusyon ng may kapupulutan ng improvements ang iba dito."

"Ang daming natutulungan ni diwata dahil marami syang empleyado. Maliit lang kita nya dinadaan nya lang sa dami."

"Ang galing ni Diwata hehehe, kudos."

"Feeling ko hindi naman totoo yung nalulugi na raw ang paresan niya. Siguro nagdagdag lang siya now dahil mahilig talagang kumain ang mga Pinoy."

Congrats, Diwata!