December 23, 2024

Home SPORTS

Dalawang UAAP standout basketball players, nag-hard launch ng junakis; ikinabigla ng fans

Dalawang UAAP standout basketball players, nag-hard launch ng junakis; ikinabigla ng fans
Photo courtesy: Carl Tamayo (FB) and UAAP Media bureau

Tapos na ang pila para kina Carl at Kevin.

Ginulat ni dating University of the Philippines Fighting Maroons Carl Tamayo ang maraming basketball fans matapos niyang isapubliko ang pagbati sa kaarawan ng kaniyang anak.

Sa isang Facebook post ni Carl nitong Lunes, Setyembre 30, 2024, isang simpleng pagbati ang iniwan niya para sa anak.

“Happy Birthday, Psalm!”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kalakip ng nasabing birthday post ang mga larawan ng kaniyang anak kung saan nakalagay din na kasalukuyan itong nagdiriwang ng ikatlong taong kaarawan.

Tila “vindicated” naman daw ang ilang espekulasyon ng netizens na tama umano ang kanilang hinala sa dahilan ng maagang pag-alis ni Carl sa collegiate league at paglipat nito sa professional league.

“Carl Tamayo posting videos/pictures of his son. So labasan na ng mga junakis! Buti naman di niya tinago. Aaaaw. Kaya pala nag professional siya agad. Kailangan mag ipon pang tuition!”

“May anak na palay siya? Omggggg”

“May anak na pala si carl tamayo kaya pala siya nag pro kaagad.”

"Tago" "tinago" ‘yung term sa anak ni Carl Tamayo and his partner pero baka naman kasi gusto lang ng privacy????? Helo???”

“Everyone's losing it over Carl Tamayo's son, but I've known for ages, so it just feels different.”

“Omg may anak nadin si Carl Tamayo?!!! that explains why kaya siya nag pro agad? omg first si kq now si Carl Tamayo.”

Carl Tamayo OFC - Happy Birthday, Psalm! ‍ | Facebook

Samantala, matatandaang kamakailan lang ay naghard-launch na rin si De La Salle University Green Archers Kevin Quiambao na isa na rin siyang ganap na daddy sa unang pagkakataon.

Sa panayam sa media, sinabi ng 23-anyos na basketbolista na sobrang saya niya raw at nagsisilbing motibasyon para sa kaniya ang baby boy.

“Sa baby ko, sobrang saya ko talaga. Dadalhin ko lang ‘yung motivation na ‘yun para makatulong sa team sa upcoming games namin,” saad ni Quiambao.

Sa kaniyang post X noong Setyembre 24, 2024, isang emoji lang ang iniwan ni Quiambao na tila pahiwatig ng isang baby boy. Habang Setyembre 28, 2024 naman nang inilabas niya na ang larawan ng kaniyang baby boy bagama’t tumanggi siyang pangalanan ito.

Qu1ambs on X: "" / X

Kate Garcia