December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Chelsea Manalo, may makakalabang 2 half-Pinay sa Miss Universe 2024

Chelsea Manalo, may makakalabang 2 half-Pinay sa Miss Universe 2024
Photo courtesy: Sash Factor International (IG)

Tatlong Filipina beauty queens daw ang aabangan sa nalalapit na 73rd Miss Universe 2024 na gaganapin sa bansang Mexico sa darating na Nobyembre.

Una na rito ang pambato ng Pilipinas mula sa Bulacan na si Chelsea Manalo, na kauna-unahang Filipina-Black American na kakatawan sa bansa.

MAKI-BALITA: Bakit 'dark horse' ang bagong Miss Universe PH 2024 na si Chelsea Manalo?

Ngunit ang mga makatutunggali niya rito ay may dugong Pinoy rin gaya nina Christina Dela Cruz Chalk na siyang kakatawan sa United Kingdom, at ang recent lamang na itinanghal na Miss Universe New Zealand ay si Victoria Vincent, na kamakailan lamang ay nag-represent naman sa Bacoor City, Cavite.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Kaya naman, kaabang-abang ang magiging resulta ng Miss Universe 2024 dahil may dugong Pilipino ang kakatawan sa mga nabanggit na bansa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens, sa comment section ng "Sash Factor International" Instagram page.

"Imagine all three of them making the top 12."

"The MUPH Queens is a high caliber like everyone can compete and ready in MU stage."

"Powerhouse Filipinas!"

"Oh Wow! Amazing that means there will be 3 Filipina girl competing for MU 2024 in Mexico....goodluck Tres Maria's!"

"Exciting naman ito!"

Kaya abangan na lamang ang 73rd Miss Universe 2024 sa darating na Nobyembre 16, na punumpuno raw ng mga pasabog at bagong format.

Ang reigning Miss Universe 2023 ay si Sheynnis Palacios ng Nicaragua, na naging kontrobersiyal pa ang pagkapanalo, dahil sa isyu umano ng paglaban sa kanilang pamahalaan.

MAKI-BALITA: 73rd Miss Universe teaser, inilabas na; Chelsea Manalo, sasabak na sa Nobyembre

MAKI-BALITA: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, hindi na raw makakabalik sa Nicaragua