November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Angelica Yulo ibinida 'hidden talent’ ng mga anak na sina Karl at Elaiza

Angelica Yulo ibinida 'hidden talent’ ng mga anak na sina Karl at Elaiza
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB), Department of Education (DepEd)

Proud na ibinida ni Angelica Yulo, nanay ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, ang paintings ng nakababatang kapatid ni Caloy na sina Karl at Elaiza.

Sa isang Facebook post noong Linggo, Setyembre 29, 2024, sinabi ni Angelica na tila nagulat siya na may natatago pa lang talento sa pagpinta sina Karl at Elaiza.

“Another talent of my kids unlocked. I am amazed that they knew how to draw and paint,” saad ni Angelica sa caption.

Kalakip ng naturang post ang mga larawan ng ipininta ng magkapatid, kung saan makikita ang tila anyong tubig na obra ni Karl at isang bulaklak naman kay Elaiza.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Dagdag pa ni Angelica, hindi niya inakalang may kakayahan ang dalawa sa pagpinta dahil hindi niya raw nakikita ang mga ito na humawak ng paint brush.

“I never knew that they have this kind of talent coz I've never seen them holding a paint brush, ani Angelica.”

Samantala, kasama rin sa mga ipininta nina Karl at Elaiza ang tila pahiwatig ng kanilang pangarap na makatuntong sa 2028 Los Angeles Olympics at 2026 Southeast Asian Games, na agad ding pumukaw sa mata ng netizens.

“Wowwww keep on praying, all things work for good Eldrew just trust Him and have a strong faith for 2028.”

“I will definitely watch your game there in LA!”

“Next 2028 Olympians good luck”

“Ipagdasal ka namin Eldrew na maging champion ka.”

“Best of luck bebe Elaiza!!”

“Just believe and aim high for the Gold at SEA Games 2025!”

“Good luck sa susunod pa ninyo mga games, sana manalo kayo ng gold ,ingat everyday”

Matatandaang gumagawa na rin ng ingay sina Karl at Elaiza sa gymnastics, kung saan kasabay nito ang pag-ugong ng bali-balitang may posibilidad umano na magharap ang tatlong Yulo sa SEA Games.

KAUGNAY NA BALITA: Bakbakang Yulo! Kapatid ni Carlos Yulo na si Elaiza, makakalaban niya sa SEAG?

Samantala, nilinaw din naman ito ni Caloy sa isang press conference, kung saan kasabay ng pagbanggit niya sa kanilang mga susunod na plano sa torneo, ay ang paglilinaw niya na hindi umano sila magtatapat ng kaniyang mga kapatid, partikular na si Eldrew, bunsod umano ng division at age disparity nila sa kompetisyon.

 KAUGNAY NA BALITA: Carlos Yulo nilinaw mga susunod na plano: 8 ginto sa SEA Games, gustong masungkit

Kate Garcia