November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

‘Para sa mga Pinoy!’ Chel Diokno, first nominee ng Akbayan sa 2025 elections

‘Para sa mga Pinoy!’ Chel Diokno, first nominee ng Akbayan sa 2025 elections
Atty. Chel Diokno (MB file photo)

Ipinahayag ni human rights lawyer Atty. Chel Diokno na kakandidato siya bilang first nominee ng  Akbayan Party sa 2025 elections upang isulong ang kapakanan ng mga Pilipino sa Kongreso.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Setyembre 28, nagpasalamat si Diokno sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng Akbayan.

Nangako rin ang human rights advocate na isusulong nila sa Kongreso ang demokrasya ng bansa at pananagutin ang mga korap na opisyal.

“Thank you for the trust and support! It is an honor to represent @AkbayanParty and push for its principles,” ani Diokno.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

“We shall buckle down on protecting the welfare of the Filipino people, upholding our democracy and holding the corrupt accountable. Ipanalo natin sa Congreso ang kapakanan ng lahat ng Pilipino!” saad pa niya.

Dahil sa pagiging unang nominee ni Diokno ng Akbayan, hindi na raw niya itutuloy ang kaniyang kandidatura bilang senador sa 2025.

Sa kabila nito ay patuloy naman daw ang kanilang suporta para sa senatorial candidates na sina dating Senador Kiko Pangilinan at dating Senador Bam Aquino.

Matatandaang kamakailan lamang nang manumpa si Diokno bilang miyembro ng Akbayan, sa pangunguna ni Senador Risa Hontiveros.

MAKI-BALITA: Chel Diokno, miyembro na ng Akbayan Party