December 22, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Mali po 'yon!' Andrew E., mas nauna raw makilala ng mga elitista kaysa ng masa

'Mali po 'yon!' Andrew E., mas nauna raw makilala ng mga elitista kaysa ng masa
Photo Courtesy: Screenshot from Julius Babao (YT)

Nagbigay ng paglilinaw ang umano’y “King of Tagalog Rap” na si Andrew E. kaugnay sa “assessment” daw sa kaniya ng mga tao bilang isang rapper.

Sa isang episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao kamakailan, sinabi ni Andrew na mas nauna raw siyang nakilala ng mayayaman kaysa ng masa ..

Ayon kasi kay Andrew, sa mga club scene daw siya unang narinig mag-rap ng mga tao kung saan siya nagtrabaho.

“Wala pa akong CD, wala pa akong cassette. So, sa mga elitista lang ako kilala. Kaya nga mali ‘yong assessment nila na nakilala muna ako ng masa bago ako nakilala ng mayaman. Mali po ‘yon,” lahad ni Andrew.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

“Hindi ako kilala ng masa. Kilala lang po ako ng mayaman. Kasi ‘yon ang trabaho ko, e.[...] And then ‘yong Andrew E. po ‘yon ‘yong pronouncement ko sa mga elitista: ‘I am Andrew E.,’” wika niya.

Ayon pa sa umano’y “King of Tagalog Rap,” saka lang daw siya naging masa figure noong inilabas na niya ang kanta niyang “Humanap Ka Ng Panget.”

Samantala, sa unang bahagi naman ng panayam ay nilinaw ni Andrew na hindi raw siya naging alalay ni master rapper Francis M.

MAKI-BALITA: Andrew E., nilinaw na 'di siya naging alalay ni Francis M.

Matatandaang sina Francis at Andrew ang dalawa sa mga kinikilalang naghawan ng rap music sa Pilipinas noong mga huling bahagi ng dekada ‘80.