November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Kris Aquino, sasabak nga ba sa politika?

Kris Aquino, sasabak nga ba sa politika?
Photo Courtesy: Kris Aquino (IG)

Nabahiran umano ng intriga ang pagbabalik ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa Pilipinas kamakailan, na iniugnay sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Linggo, Setyembre 29, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasasagap niya umanong tsika tungkol kay Kris.

“A few days before umuwi siya, marami na pong naglalabasan sa social media—maging sa mga pahayagan—na pinaghahandaan daw po ni Kris Aquino ang election dito sa Pilipinas kaya kailangan niyang umuwi talaga ng September,” saad ni Cristy.

Hindi raw kasi maiwasang lumitaw ang ganitong intriga lalo na’t sa darating na Martes, Oktubre 1, ay magsisimula na ang filing para sa pagkandidato sa 2025 midterm elections.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Pero ayon sa showbiz columnist: “Imposible po. Wala na po sa isip at puso ni Kris Aquino ang mundo ng politika.”

“Sabi nga nila, si dating Pangulong Noynoy [Benigno Aquino III] na namayapa ang pinakahuling Aquino na lalahok sa kanilang magkakapatid [sa politika],” dugtong pa niya.

Tila mahirap na raw paniwalaan pang papalaot pa si Kris sa politika dahil sa kasalukuyang kalagayan ng kalusugan nito.

Matatandaang sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi ni Kris na mayroon daw siyang anim na confirmed autoimmune conditions: autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, Churg Strauss, systemic sclerosis, lupus, at rheumatoid arthritis.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, magbabalik 'Pinas; kailangan ng emotional encouragement mula sa mga kapatid