November 23, 2024

Home FEATURES

‘Hindi entitled!’ Tessie Sy-Coson, hinangaan sa matiyagang paghihintay sa NAIA

‘Hindi entitled!’ Tessie Sy-Coson, hinangaan sa matiyagang paghihintay sa NAIA
Courtesy: Jose Dalisay/FB

Hinangaan sa social media ang larawan kung saan matiyagang naghihintay raw ang isa sa pinakamayayaman sa Asya na si Teresita “Tessie” Sy Coson sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Sa isang Facebook post ni Jose Dalisay nitong Linggo, Setyembre 29, makikita ang larawan ng paghihintay ni Coson sa kaniyang luggage sa terminal 2 ng NAIA.

“ATM (at the moment), at NAIA Terminal 2. It tells you something when one of Asia’s richest women waits patiently for her luggage to come off the carousel,” ani Dalisay sa kaniyang post.

“The board of one of her companies had a meeting in Iloilo over the weekend, and we met some of them taking a tour of the city, and we met them again at the Iloilo airport, but I saw none of the others at the carousel, with assistants presumably delivering their baggage to their cars,” dagdag niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Si Coson ang vice chairperson ng SM Investments, isa sa pinakamalalaking conglomerates sa bansa na sinimulan ng kaniyang amang si Henry Sy. 

Matatandaang ang Sy siblings ang nangunguna sa Top 10 pinakamayayaman sa Pilipinas, batay sa inilabas na listahan ng Forbes noong Agosto 2024.

KAUGNAY NA BALITA: Enrique Razon Jr., pinakamayaman sa 'Pinas; Manny Villar, pumangalawa

Samantala, habang isinusulat ito’y umabot na sa 142 shares ang naturang post, kung saan hinangaan ang kilalang businesswoman sa hindi raw niya pagpapa-special treatment.

Narito ang ilang mga komento ng netizens:

“A very good example ”

“I admire her as a leader.”

“Tessie Sy Coson has always behaved that way. Simple and unentitled. I wish more CEOs were like her.”

“A very good example of simplicity and humility. Mabuhay po kayo.”

“That is why she is one of Asia’s richest :)”

“Feels good seeing this. And contrasts sharply with some others I have seen who behave like they are entitled.”

“Always admired the lady!”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay patuloy na dumadami ang shares ng Facebook post patungkol sa businesswoman.