Isa sa mga personalidad na kinilala ng "Philippine S&T Development Foundation" o PhilDev kamakailan ay si Dr Edsel Maurice T. Salvana, isang dalubhasa sa infectious diseases, dahil sa kaniyang research kaugnay ng pagtugon ng Pilipinas sa Covid-19, na ginanap noong Setyembre 21 sa EDSA Shangri-La Hotel, Maynila.
Kinilala ng PhilDev Gala and Awards ang mga propesyunal at indibidwal na nagpamalas ng kanilang inobasyon, mahusay na pamumuno, at transformative potential sa edukasyon at pagnenegosyo, para sa kapakanan ng bansa.
Ginawaran si Dr. Salvana ng "Innovation Excellence Award for Research" para sa kaniyang pananaliksik patungkol sa Covid-19 na malaki ang naging impact sa health policies ng buong bansa, sa kasagsagan ng pandemya.
"The work we’re doing at UP NIH and the contributions made during the COVID pandemic somehow feel like a good return on investment. I look forward to making more research and inspiring more kids in science as time goes by," bahagi ng kaniyang talumpati.
Si Dr. Salvana ay isang medical expert na na nakatuon sa pag-aaral ng mga sakit na nakahahawa. Siya ay Director, Clinical Professor 3, at Research Coordinator sa Institute of Molecular Biology and Biotechnology, National Institutes of Health ng University of the Philippines Manila (UP Manila) na katabi lamang ng Philippine General Hospital (PGH). Siya rin ay Adjunct Faculty for Global Health sa University of Pittsburgh.
Bukod sa mga nabanggit, siya rin ay isang kolumnista ng Manila Bulletin, para sa Lifestyle section nito na nakatuon sa mga paksang may kinalaman sa Health and Wellness.
A New Dengue Outbreak and the Continuing... - Edsel Maurice Salvana | Facebook
Bukod kay Salvana, ginawaran din sa nabanggit na event sina Alice Eduardo para sa "Innovation Excellence Award for Engineering Industry" at dating aktres na si Nanette Medved-Po para sa "Innovation Excellence Award for Sustainable Environment."