Usap-usapan ang panawagan ng doctor-vlogger na si Doc Willie Ong na itama ng TV5/News 5 ang ulat nila patungkol kay Cassandra Ong.
Si Cassandra Ong ay 24-anyos na businesswoman na nasasangkot sa isyu ng pagpapatakbo ng "ilegal" na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga, at sumasalang sa congress hearing kaugnay nito, kasama si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.
MAKI-BALITA: Cassandra Ong, 'di nakadalo sa Senate hearing; kailangan manatili ng 2-3 days sa ospital
Ayon sa Facebook post ni Doc Willie, "Hindi po tunay na related ako kay Cassandra Ong. Libo-libo ang may apelyidong Ong sa Pilipinas. Hindi rin ako drug lord. Fake news po lahat yan. Matino akong tao. Walang kasalanan kahit kanino. 'Lord forgive these people and scammers for they don't know what they do.' God bless po."
Dagdag pa niya, "Dear News5. Kindly remove or put a disclaimer in your previous news article labelling a certain Willie Ong as a drug lord."
"Please write that this is not Doc Willie Ong, the candidate. Hindi po ako yon. But many believe you because you are TV5.
Baka pwedeng ayusin nyo naman ito. Ilan buwan kong tiniis ang libo libong batikos dahil sa reporting ng News5. God bless you."
Doc Willie Ong - Salamat Rappler. Message to News5/TV5. Hindi po... | Facebook
Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Doc Willie na siya ay may sakit na "sarcoma," isang rare at agressive na uri ng cancer.
Kasalukuyang nasa Singapore si Doc Willie at doon sumasailalim sa chemotherapy.
MAKI-BALITA: 98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang
MAKI-BALITA: Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'
MAKI-BALITA: Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers