January 23, 2025

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Andrew E., nilinaw na 'di siya naging alalay ni Francis M.

Andrew E., nilinaw na 'di siya naging alalay ni Francis M.
Photo Courtesy: Screenshot from Julius Babao (YT)

Ibinahagi ng tinaguriang “King of Tagalog Rap” na si Andrew E. ang kuwento ng una nilang pagkikita ni master rapper Francis Magalona o kilala rin bilang Francis M.

Sa isang episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao kamakailan, sinabi ni Andrew E. na nakilala niya raw ang kapuwa rapper dahil sa break dancing.

Ayon sa kaniya: “Dumayo siya [Francis] ng…Makati. Mag-isa lang siya noon and then doon ko siya na-meet for our break dance group.”

Habang nagkakainitan daw sa pagitan ng grupo ni Andrew E. at ng isa pang grupo rin ng mananayaw, natigil daw ang laban dahil napukaw ang atensyon ng mga manonood sa isang lalaki na mag-isang sumasayaw sa podium na walang iba kundi si Francis M.

Musika at Kanta

Apl.de.ap bet maka-collab ang BINI: 'They are world class!'

“Noong sobrang init na, magsusuntukan na ‘yong RPM saka ROK, bumaba siya. Pagbaba niya…hawak niya ‘yong sarili niyang boombox…pumunta siya sa gilid namin tapos sabi niya: ‘Join ako, pwede?’” kuwento ni Andrew.

Pagpapatuloy pa niya: “So, medyo humupa ‘yong init. Kasi napikon lalo ‘yong [kabilang grupo]. Kasi ‘pag dinaan mo sa away ‘yong art form namin, makikita ng tao na ‘a, wala kayo kasi ayaw n’yong lumaban.’ So napilitan silang humupa.” 

Pagkatapos daw ng game, nagpakilala raw sila sa isa’t isa. Hanggang sa nag-alok daw si Andrew kay Francis ng tulong.

“Nakita ko bitbit niya ‘yong [boombox], mabigat e. [Sabi ko:] ‘ako na magbibitbit.’ So, ‘yon ‘yong ibig kong sabihing nag-alalay ako sa kaniya papunta sa kotse niya no’ng pauwi na siya,” aniya.

Dagdag pa ng King of Tagalog Rap: “Pero hindi ako nag-alalay as in P.A. [...] ‘Yon ‘yong tinatawag kong nag-alalay ako sa kaniya. Kasi inalalayan ko siya dahil mabigat ‘yong boombox niya, e.”

Makalipas ang dalawang taon simula nang mangyari ang kanilang engkuwentro, muli silang nagkita sa birthday party ni Francis. Wala pa raw silang ideya noon na pareho raw pala silang nagra-rap. 

Matatandaang sina Francis at Andrew ang dalawa sa mga kinikilalang naghawan ng rap music sa Pilipinas noong mga huling bahagi ng dekada ‘80.

KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Francis M., nag-react sa girian kung sino 'King of Pinoy Rap'