November 19, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Andrew E., ibinahagi kung paano nabuo ang 'Humanap Ka Ng Panget'

Andrew E., ibinahagi kung paano nabuo ang 'Humanap Ka Ng Panget'
Photo Courtesy: Screenshots from Julius Babao (YT)

Paano nga ba nabuo ng umano’y “King of Tagalog Rap” na si Andrew E. ang sumikat niyang kantang “Humanap Ka Ng Panget?”

Sa isang episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao kamakailan, ibinahagi ni Andrew na dahil daw sa isang lasing na nakita niya sa hagdan ng nirentahan nilang mini-hotel kaya niya naisip ang nasabing kanta.

“Noong paakyat na kami [sa hagdan] napansin ko pababa, may dalawang tao. Isang black guy, of course, taga-Subic na may kasamang babae na Pilipino. [...] Pababa silang dalawa, paakyat kami ni tatay,” lahad ni Andrew.

“Sa gitna ng hagdanan, may lasing na walang malay. Nakaharang. [...] So, alam namin paggigitnaan namin siya kasi pababa sila, paakyat kami. Pagdating sa gitna, tinabi ko ‘yong hita nang konti. So, nagising siya. Hindi ko alam,” wika niya.

Musika at Kanta

Andrew E., sa isyu ng 'Humanap Ka Ng Panget:' 'Yong accusation is not authentic'

Dagdag pa niya: “Dumaan ‘yong dalawang magkasama—’yong isang black guy saka ‘yong babae. Tapos paakyat kami, pababa ‘yong dalawang magkasama, hinampas no’ng lasing ‘yong puwit ko.“

Noon una, ayon kay Andrew, akala raw niya ay dahil inistorbo niya ang tulog ng lasing kaya siya nito pinalo sa puwit. 

“Hindi pala,” sabi niya. “Ito ‘yong dahilan. Hinampas niya ‘yong puwit ko. Tapos sinabi niya sa akin: ‘Hoy, tingnan mo, o! Humanap siya ng panget.’ [...] Nagising siya, nagising din ako.”

Kaya naman simula raw noon ay isinulat na ni Andrew ang lyrics ng “Humanap Ka Ng Panget.” At bago raw siya bumalik sa trabaho bilang DJ, minememorya na raw niya ito para itanghal sa pinagtatrabahuhang club.

MAKI-BALITA: 'Mali po 'yon!' Andrew E., mas nauna raw makilala ng mga elitista kaysa ng masa