January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

La Oro, nanggalaiti kay Caloy: 'Masyado nang matindi tabas ng dila mo!'

La Oro, nanggalaiti kay Caloy: 'Masyado nang matindi tabas ng dila mo!'
Photo courtesy: Screenshot from Elizabeth Oropesa (TikTok)/Carlos Yulo (TikTok)/Manila Bulletin (FB)

Hindi na raw nakatiis ang batikang aktres na si Elizabeth Oropesa patungkol sa isyung kinasasangkutan ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo laban sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang inang si Angelica Yulo.

Simula nang manalo sa Paris Olympics 2024 ay hindi pa rin maawat ang mga kontrobersiyang ipinupukol sa kaniya lalo na sa girian nila ng kaniyang pamilya, na nag-ugat umano sa usaping pera at relasyon ni Caloy kay Chloe San Jose.

Hindi na raw ma-take ni La Oro ang mga naririnig at nababasa niya kaya pinagsabihan niya ang atleta, sa pamamagitan ng kaniyang TikTok video.

"No apologies, I would like to talk about Caloy Yulo," panimula ni Elizabeth.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"I can't help it anymore. Masyado nang matindi ang tabas ng dila ng batang ito, hindi ko na kinaya," aniya.

Hindi na raw kinaya ni Elizabeth kung paano itrato ni Caloy ang kaniyang ina, na matatandaang humingi na ng paumanhin sa kaniya sa pamamagitan ng isang press conference, matapos nilang maglabas ng official statement ni Chloe sa pamamagitan ng TikTok Live.

"Hindi po ako sang-ayon, the way he is treating his mother is horrible. Wala po akong pakialam doon sa girlfriend niya kung sino man 'yon, siya bilang anak, hindi dapat nagtatrato ng magulang nang ganiyan. Kahit anong sabihin, mali po 'yon," paliwanag ng aktres.

"'Yon pong pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa, ke nanay mo o hindi, lalo na kung nanay mo."

"Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano-ano doon sa babaeng pinanggalingan mo kaya ka nabuhay."

Giit pa ni La Oro, masalimuot ang proseso ng pagiging ina at anak. Hindi raw tama ang ginawa ni Carlos na ipahiya ang kaniyang ina sa social media, anuman ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Mas maganda raw kung naresolba ang mga isyu nila sa paraang pribado at hindi na-broadcast sa lahat sa pamamagitan nga ng social media.

Dapat daw, si Carlos muna ang nagpakita ng paggalang sa kaniyang ina, para igalang din ito ng kaniyang girlfriend.

"Hijo, Caloy, marami kang hindi alam. Alam mo parang masyadong matigas na ang puso mo. Sino ba'ng nagturo sa iyo niyan, hindi ka naman siguro tinuruan ng nanay mo nang ganiyan, kahit ano pang kasalanan ng nanay mo, nanay mo pa rin 'yan. Kahit gaano kasama ang ina, ina mo pa rin 'yan, tandaan mo 'yan..."

"Hihiyain mo 'yong mother mo? Tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, your cells, galing sa ina mo, hanggang mamatay ka, kahit patay na na ang ina mo, iyan ang tutulong sa health mo, iyan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, tanga!" gigil na sabi ni Elizabeth.

Nasasaktan daw ang batikang aktres kapag may mga anak na nagsasalita nang masama laban sa kanilang ina.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Carlos patungkol dito.

MAKI-BALITA: Carlos nagsalita na sa hidwaan nila ng nanay niya; sariling pera, itinago raw sa kaniya?